NILINIS NI CRISTO
Para sa unang pagmimisyon ko, pumunta kami sa kagubatan sa lugar ng Amazon sa bansang Brazil. Minsan, bumisita kami sa isa sa mga iilang bahay na may pansala ng tubig. Ito ang nasaksihan ko: inilagay ng may-ari sa itaas na bahagi ng pansala ang maruming tubig na galing sa balon. Ilang minuto lang, luminis na ito. Wala na ang dumi…
BUTAS-BUTAS PERO BINUO
Nakahiligan ng anak kong paglaruan ang kesong inihahanda ko sa pananghalian niya. Ginagawa niya itong maskara, pagkatapos sasabihing, “Nanay, tingnan mo,” habang nakadungaw sa dalawang butas ng keso ang mga luntian niyang matang nagniningning sa tuwa. Maihahalintulad ko sa kesong iyan ang pagsisikap ko bilang baguhang ina. Nag-uumapaw at tunay ang pag-ibig ko, pero hindi kumpleto. Butas-butas imbes na buo.…
BUONG-PUSONG PAGBIBIGAY
Libu-libong dolyar ang utang naming mag-asawa noong makatapos kami ng pag-aaral. Pag-iisahin na lang sana namin ang mga utang namin para mas mababa ang tubo. Pero hindi kami pinautang ng bangko sa bayan. Hindi pa kasi kami matagal na naninirahan o nagtatrabaho sa lugar na iyon. Nabanggit ko ito kay Ming, isang kaibigan na isa sa mga namumuno sa aming…